Bulebar Jose W. Diokno

Bulebar Jose W. Diokno
Jose W. Diokno Boulevard
Bulebar Jose W. Diokno patimog patungong Entertainment City.
Impormasyon sa ruta
Haba4.4 km (2.7 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N120 / AH26 (Bulebar Roxas) at N190 (Abenida Gil Puyat) sa Pasay
 
Dulo sa timogPagcor Utility Road (AsiaWorld City) sa Parañaque
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodPasay, Parañaque
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
Preview warning: Page using Template:Infobox road with unknown parameter "location"

Ang Bulebar Jose W. Diokno (Ingles: Jose W. Diokno Boulevard) ay isang pangunahing daang kolektor na may habang 4.38 kilometro (2.72 milya) at dumadaan mula hilaga-patimog sa silangang gilid ng SM Mall of Asia at kalinya ng Bulebar Macapagal sa Bay City, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Walo ang mga linya nito at hinahatian ng panggitnang harangan. Nagbibigay ito ng daan mula Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) at Bulebar Roxas sa hilaga papunta sa sentro ng pamimili at lifestyle sa tabi ng Look ng Maynila sa Pasay. Ginagamit ng mga motorista ang daang ito bilang alternatibo sa Bulebar Macapagal. Nag-uugnay din ito patungong Entertainment City sa Parañaque sa dakong timog.

Dating tinawag na Bay Boulevard ang bulebar. Pinalitan ito ng pangalan noong 2007, kasama na ang maikling karugtong ng Abenida Gil Puyat sa may CCP na nag-uugnay nito sa Bulebar Roxas. Ang bagong pangalan nito ay mula kay dating senador Jose Wright Diokno[1] Itinayo ng Philippine Reclamation Authority ang daan at nakumpleto ito noong 2011.[2]

  1. "Republic Act No. 9468" (PDF). Senate of the Philippines. Nakuha noong 14 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Land Development". Philippine Reclamation Authority. 14 Agosto 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Oktubre 2016. Nakuha noong 18 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search